𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗧𝗘 𝗪𝗔𝗥𝗘𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝟭, 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔𝗛𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗥𝟭

Kabuuang labing siyam pang Regional at Satellite warehouse sa Region 1 ang bibisitahin ng Department of Social Welfare and development Region 1 bilang parte ng annual inventory.

Bibisitahin isa-isa ang mga naturang warehouse ng DSWD 1 inventory team para masuri kung ang mga nakaimbak na food at non-food items ay nasa mataas na kalidad at maayos ang stockpile.

Sa oras na matapos ang inventory ng naturang tanggapan sa mga regional at satellite warehouse a saka ilalahad ang mga obserbasyon, rekomendasyon, at iba pang napansin sa warehouse manager para sa mas maayos at mabilis pang pagbibigay ng DSWD ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa ngayon, nasa anim na warehouse na ang nabisita ng DSWD Field Office 1 sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments