π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π—•π—œπ—•π—œπ—Ÿπ—œ π—Ÿπ—”π—‘π—š π—‘π—š π—¦π—œπ—šπ—”π—₯π—œπ—Ÿπ—¬π—’, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗔𝗑 π—‘π—š π—žπ—œπ——π—Ÿπ—”π—§ 𝗦𝗔 π—•π—’π—Ÿπ—œπ—‘π—”π—’

Patay ang isang bente-dos anyos na lalaki matapos itong tamaan ng kidlat sa bayan ng Bolinao.

Ang biktima ay nakilalang si Roland Millamina, residente ng bayan ng Sual.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo sa bahay ng kaanak ang biktima sa bahagi ng Brgy. Sampaloc, Bolinao upang mamasyal.

Nang ito ay umalis upang bumili lang sana ng sigarilyo sa kasagsagan ng ulan ay bigla na lang umano itong tinamaan ng kidlat.

Agad pa itong naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments