
Cauayan City – Hindi nakaligtas sa kamay ng kapulisan ang isang magnanakaw matapos pasukin ang isang tindahan sa Brgy. Baligatan, Ilagan City, Isabela madaling araw nitong Martes, ika-27 ng Enero, 2026.
Ayon sa ulat, nadiskubre ng biktimang si “May-Ann”, 35-anyos, na nawawala ang kanyang dalawang cellphone nang magising ito upang magbanyo.
Dahil dito, kaagad siyang humingi ng saklolo sa kanyang mga kapitbahay at sa kapulisan na nasa lugar.
Sa isinagawang pagsusuri sa kuha ng CCTV Footage, nakuhanan ang isang lalaki na pumasok sa loob ng tindahan at kumuha ng pera at cellphone. Positibo namang natukoy ng kapitbahay ng biktima ang suspek na kinilalang si alyas “Jake”.
Matapos nito, kaagad na ikinasa ang isang hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa bahay nito mismo kung saan nabawi mula sa kanyang pag-iingat ang dalawang cellphone na tinangay nito.
Matapos ang pagkakadakip, dinala ang suspek sa himpilan ng Ilagan City Police Station para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










