𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬


‎Cauayan City – Arestado ang isang lalaking umano’y nanakit ng hayop sa Brgy. Labinab, Cauayan City, kahapon ika-6 ng Enero.

‎Ayon sa ulat ng Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Mundo”, 46-anyos, residente ng nabanggit na barangay.

‎Ang pagkakaaresto ng suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa kanya dahil kasong paglabag sa RA 8485 o ang Animal Welfare Act, matapos ang umano’y pananakit sa isang aso.

‎Mayroon namang inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng P6,000 ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

‎Sa kasalukuyan, nasa kustodiya pa rin ng Cauayan City Police Station ang suspek.
‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments