
Cauayan City – Isang 51-anyos na lalaki ang naaresto ng Burgos Municipal Police Station matapos ipatupad ang Warrant of Arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong Qualified Rape of Minor kahapon, Enero 19, 2026,
Ang suspek na kinilala sa alyas na “Marco,” may asawa, magsasaka at residente ng Barangay Dalig, Burgos, Isabela, ay inaresto alinsunod sa utos ng Regional Trial Court, Branch 18, Ilagan City at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam ng mga pulis sa akusado ang kanyang mga constitutional rights alinsunod sa Miranda Doctrine.
Si “Marco” ay kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng Provincial Jail ng Ilagan City habang hinihintay ang kaukulang aksyon ng korte.
Binigyang-diin ni PCOL Manuel B. Bringas ang matibay na paninindigan ng PNP laban sa karahasan, lalo na sa mga bata, at hinimok ang publiko na makipagtulungan at mag-ulat ng krimen upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa lalawigan.
Source: PNP Isabela
Photo: For illustration only
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










