𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗟𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗦𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟭𝟵𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Arestado ang 33 anyos na lalaki residente mula Benguet at pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Cabaritan, Sison matapos nitong sunugin ang bahay at mahulihan ng hinihinalang shabu.

Ayon sa isang concerned citizen na tumulong din sa pag-apula ng apoy, nakita umano nito ang kagamitan at ilang pakete ng hinihinalang shabu sa mismong bahay ng suspek.

Nakumpiska dito ang nasa 27.42 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P186, 456 at ilan pang kagamitan.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments