𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗔𝗞, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗔𝗡

Patay ang isang lalaki matapos sumalpok sa kotse ang minamaneho nitong tricycle sa may kahabaan ng Bonuan Binloc, Dagupan City.

Kinilala ang 62 anyos na biktima bilang si Carlito Marara. Pauwi na umano ang driver at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang anak na sinundo galing sa trabaho nang mangyari ang insidente.

Batay sa ulat ng kapulisan, nasa kalagitnaan umano ng pag-oovertake ang kotse habang sa kabilang linya ay paparating naman ang nakasalubong na tricycle, nang nagsalpukan ang dalawang sasakyan at siyang naging sanhi ng nasabing trahedya.

Sa lakas ng impact ay humiwalay ang motorsiklo sa sidecar nito. Nagtamo ng mga sugat ang asawa at anak ng biktima, samantalang malubha namang napinsala ang lalaki, na siyang ikinamatay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments