𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘

CAUAYAN CITY- Himas rehas ngayon ang isang lalaki matapos ang ikinasag buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok Nieto, Brgy. Batal, Santiago City, Isabela.

Matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng iligal na droga partikular na ang shabu ay agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Narekober mula sa suspek ang tatlong (3) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 2.7 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 18,360.00, buy-bust money at cellphone.


Ang suspek ay nasa pangangalaga ng Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments