𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Nauwi sa trahedya ang masayang inuman ng tatlong magkakaibigan sa Bolinao, Pangasinan.

Ang biktima ay isang 28 anyos, residente ng Brgy. Catungi sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas onse y media ng umaga nang dumating ang magkakaibigan sa ilog ngunit bandang alas singko y media nang hapon nang mapagpasyahan ng mga ito na maligo sa ilog.

Tumalon umano ang biktima sa ilog na may lalim na abot sa sampung talampakan. Sinubukan pa umanong umahon ng biktima at humingi ng saklolo sa kaniyang kasamahan.

Nang masagip ito agad na itinakbo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments