𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗡𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗢

Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Balungao.

Ang suspek ay kinilalang si Romnick Remobles residente ng Bayan ng Cuyapo lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng IFM News Dagupan, magsasagawa ng buy bust operation ng PNP laban sa illegal na baril ang PNP laban sa suspek nang mapansin umano nito na mga pulis ang katransaksiyon nito.

Dito ay agad na naglabas ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga kapulisan dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ito.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit namatay habang ginagamot ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments