PATAY ANG ISANG SINGKWENTA Y SAIS ANYOS NA LALAKI MATAPOS ITNG PAGTULUNGANG BUGBUGIN NG PITO KATAO SA BAYAN NG DASOL.
ANG BIKTIMA AY NAKILALANG SI ROMEO NEBRE RESIDENTE NG BARANGAY TAMBOBONG SA NASABING BAYAN.
AYON SA IMBESTIGASYON, NAGANAP ANG PAMBUBUGBOG PASADO ALAS SAIS NG UMAGA SA LUGAR NG BIKTIMA AT MGA SUSPEK NANG MADAANAN NG BIKTIMA ANG KANYANG ANAK NA NAKIKIPAG INUMAN SA MGA SUSPEK KAYA PINAPAUWI NA NITO.
DITO NA NAGALIT ANG MGA SUSPEK AT NAGTULONG TULONG ILANG BUGBUGIN ANG BIKTIMA HANGGANG SA MAWALAN ITO NG MALAY SA GILID NG KALSADA AT NAGTAMO NG PINSALA SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG KATAWAN.
NAGAWA NAMAN ITONG ISUGOD SA PAGAMUTAN SUBALIT NAMATAY DIN HABANG GINAGAMOT. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments