
Cauayan City – Himas rehas ang isang lalaki matapos umanoβy lihim na kinuhananng video ang isang babae habang ito ay naliligo sa loob ng isang boarding house sa Barangay San Fermin, Cauayan City, noong gabi ng February 13, 2024.
Kinilala ang biktima na si “Joy”, 44 anyos, single at isang private employee na kasalukuyang tumutuloy sa kanyang boarding house habang ang suspek naman ay kinilalang si “Benny” residente rin sa kaparehong lugar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang naliligo at nakahubad ang biktima sa loob ng kanyang boarding house, napansin niya ang kahina-hinalang bagay sa ibabaw ng cabinet na malapit sa kisame.
Nang kanyang suriin, nadiskubre niyang ito ay isang cellphone na nakatutok pababa at nakapokus sa kanya habang siya ay naliligo at posibleng nire-record nang walang pahintulot sa kanya.
Habang inoobserbahan ang cellphone, napansin umano ng biktima ang kamay na may pulang singsing na agad niyang nakilala.
Agad siyang nagtungo sa katabing-silid at hinarap ang suspek.
Narekober mula sa suspek ang cellphone na tumutugma sa naunang napansin ng biktima, at positibo niya itong nakilala sa pamamagitan ng singsing at peklat sa ulo ng lalaki.
Humingi ng tulong ang biktima sa Cauayan City Police Station na nagresulta sa agarang pag-aresto sa suspek.
Inihahanda na ng pulisya ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Tanggapan ng City Prosecutor ng Cauayan.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










