𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗣𝗞𝗢𝗣 𝗔𝗡𝗚 𝟰𝟯 𝗔𝗕𝗔𝗡𝗗𝗢𝗡𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗦𝗔

Anak na kung ituring ng 34 taong gulang lalaki sa Dagupan City ang mga kinupkop na inabandonang pusa.

Ang furdad na si Roel Arboledo mula sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City, 43 napabayaang pusa ang kaniyang inaalagaan sa kanilang tahanan.

Kuwento ni Roel, nagsimula lamang siya sa simpleng pagpapakain ng mga pusa sa kalye hanggang sa inampon na Niya ang mga ito.

Taong 2017, labimpitong pusa lamang ang kaniyang kinupkop hanggang sa dumami na ang nasa kaniyang pangangalaga.

Gumawa ito ng sariling kulungan para sa mga alagang pusa kung saan malayang nakakagalaw at nakapag laro ang mga ito.

Sa katunayan, memorized lahat nito ang pangalan ng kaniyang pusa.

Katuwang ang partner ni Roel sa pag-aalaga at pagtustos sa mga pangangailangan gaya ng pagkain, checkup at pagpapa ligate sa mga babaeng pusa.

Kamakailan lamang ay libreng na check-up at nabigyan ng anti rabies ang mga alaga nito ng City Veterinary Office ng lungsod.

Araw-araw napupuno umano ito ng kasiyahan dahil sa kaniyang mga alaga.

Hindi lamang mga pusa ang kinukupkop nito dahil Pati asong inabandona ay pinatuloy Niya sa kaniyang tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments