π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’ 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang singkwenta y uno anyos na lalake sa bayan ng Mangaldan matapos ang ikinasang buy bust operation.

Ang suspek ay nakilalang si Jesus GarcΓ­a residente ng Barangay Bari sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas dos ng hapon na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng shabu na tumitimbang ng 1.14 grams at nagkakahalaga ng halos walong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa nasabing suspek. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments