𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗡

Sugatan ang isang 27 anyos na lalaki matapos saksakin ng kaniyang kaibigan sa Brgy. Pugaro Dagupan City.

Ang suspek at biktima ay pawang mangingisda at residente sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, nauwi sa hindi pagkakaunawaan ang naging inuman ng dalawa sa bahay ng biktima.

Ilang sandali lamang,umuwi ang suspek at kumuha ng kutsilyo at sinaksak ang biktima sa kaliwang braso.

Napag-alaman na ang suspek ay isang menor de edad na naiturn over na sa Women and Children’s Protection Desk para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments