
Cauayan City – Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhan sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela, nitong Huwebes Pebrero 12, 2026.
Kinilala ang suspek bilang alyas “Bon” na residente ng Purok 6, Marabulig 1, Cauayan City.
Nahuli siya matapos umanong magbenta ng isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng marked money na tig-₱500.
Nasamsam mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.75 gramo, buy-bust money, boodle money, isang keypad cellphone, at isang bakanteng kaha ng sigarilyo.
Umabot sa tinatayang 0.90 gramo ang kabuuang nakumpiskang ilegal na droga na may Standard Drug Price na ₱6,000.
Matapos ang imbentaryo dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan Component Police Station para sa karagdagang impormasyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA 9165 laban sa suspek.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









