π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—žπ—”π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 π——π—”π—‘π—šπ—˜π—₯𝗒𝗨𝗦 π—›π—˜π—”π—§ π—œπ—‘π——π—˜π—«, π—žπ—”π—›π—”π—£π—’π—‘

Muling kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa mga probinsya sa bansa na makakapagtala ng danger level o mapanganib na heat index kahapon na pumalo sa maaaring maglaro sa 45 hanggang 46Β°C.

Ayon sa PAGASA, nasa 46Β°C ang heat index forecast ng Dagupan City at nananatiling kabilang sa may naitatalang pinakamataas sa buong bansa.

Noong May 12, umabot sa 50Β°C ang naitalang highest heat index ng PAGASA Dagupan.

Samantala, nauna nang inihayag ng PAGASA na bagamat patuloy pa ring mararanasang ang matinding init ng panahon ay hindi na ito kasing-tindi ngayong buwan ng Mayo kumpara sa naitalang mga heat index nitong nagdaang buwan ng Abril. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments