𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗡𝗚𝗘𝗥𝗢𝗨𝗦 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡

Muling kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa mga probinsya sa bansa na makakapagtala ng danger level o mapanganib na heat index kahapon na pumalo sa maaaring maglaro sa 45 hanggang 46°C.

Ayon sa PAGASA, nasa 46°C ang heat index forecast ng Dagupan City at nananatiling kabilang sa may naitatalang pinakamataas sa buong bansa.

Noong May 12, umabot sa 50°C ang naitalang highest heat index ng PAGASA Dagupan.

Samantala, nauna nang inihayag ng PAGASA na bagamat patuloy pa ring mararanasang ang matinding init ng panahon ay hindi na ito kasing-tindi ngayong buwan ng Mayo kumpara sa naitalang mga heat index nitong nagdaang buwan ng Abril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments