π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—‘π—š 𝗑𝗔 π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗦𝗔 π—©π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—”π—¦π—œπ—¦, π—¦π—¨π— π—”π—Ÿπ—£π—’π—ž 𝗦𝗔 π—žπ—’π—§π—¦π—˜π—‘π—š π— π—œπ—‘π—”π— π—”π—‘π—˜π—›π—’ π—‘π—š π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦

Sumalpok ang minamanehong motor ng 28 anyos na residente ng Brgy. Bacag, Villasis kinilala bilang si Noel Macaranas matapos mapag-alaman na nasa impluwensiya ito ng alak ng mangyari ang insidente.

Kinilala naman ang may-ari ng kotse na si Patrolman Dennis Marquez kasalukuyang nakadestino sa Villasis. Ayon sa imbestigasyon, parehong direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan ngunit nang nag menor o nagbawas ng bilis ang kotse ay dito na sumalpok sa dulong bahagi ng sasakyan ang motor.

Walang lisensya na maipakita si Macaranas at hindi rin ito nakasuot ng helmet dahilan upang magtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments