Saturday, April 4, 2026

𝗟𝗔𝗨𝗥𝗘 𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗟𝗔𝗕 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗧, 𝗖𝗛𝗢𝗖𝗢 𝗠𝗨𝗖𝗛𝗢 𝗪𝗔𝗚𝗜 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗡𝗫𝗟𝗘𝗗

Cauayan City – Umakyat sa tamang oras si Eya Laure upang ihatid ang panalo ng Choco Mucho laban sa Nxled, sa PVL All-Filipino Conference na ginanap sa FilOil Arena sa San Juan.

Bagama’t hindi pa naipapakita ni Laure ang kanyang dating porma sa kabuuan ng laro, nagpakitang-gilas ikaapat na set kung saan nagtala siya ng siyam na 13 points.

Sa unang tatlo at kalahating set ay hirap si Laure, ngunit nahanap niya ang kanyang ritmo sa tamang sandali at sunod-sunod na umiskor upang pigilan ang pag-arangkada ng Nxled, na bumagsak sa 3-3 kartada.

Nanguna sa opensa ng Choco Mucho si Rondina na kumamada ng 24 points, bukod pa sa dalawampung mahusay na receptions na nagpatingkad sa depensa ng koponan.

Sa panig ng Nxled, pinangunahan ni Brooke Van Sickle ang kanyang koponan sa naitalang 20 puntos. Matapos ang mabagal na simula, bumalik sa porma si Van Sickle at tinulungan ang Nxled na agawin ang ikatlong set.

Subalit sa gitna ng pag-asa ng Nxled, muling nagising si Laure at nagpakawala ng sunod-sunod na atake na tuluyang nagselyo sa panalo ng Choco Mucho.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments