Nanatiling nasa below normal ang antas ng tatlong ilog sa lalawigan ng Pangasinan, sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan sa probinsiya.
Ayon sa Agno River Basin Flood Forecasting and Forecasting Center o ARBFFWC, hindi sapat na mapunan ng mga pag-uulan ang nararanasang below normal na antas ng mga nabanggit na kailugan.
Diumano, Enero pa lamang ay nasa below normal na ang mga lebel ng mga ito.
Dahil dito apektado ang ilang sakahan lalo na ang mga nasa upland areas na hindi naabot ng irrigation facility.
Samantala, ayon sa PAGASA, sa Oktubre pa mararanasan ang above normal rains na siyang makatutulong umano upang maibalik sa normal level ang antas ng mga nasabing kailugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments