𝗟𝗘𝗕𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗢𝗖𝗗 𝗥𝟭

Patuloy ang ginagawang monitoring sa lebel ng mga kailugan sa Rehiyon Uno ng Office of the Civil Defense Regional Office 1 bunsod pa rin nararanasang epekto ng Bagyong Carina.

Kaakibat ng mga inilalabas na Heavy Rainfall Warning ay ang pagtutok sa ilang mga rivers at tributaries na mataas ang tsansang maapektuhan ng umiiral na mga pag-uulan.

Sa ngayon, nananatiling nasa normal level ang mga sakop na ilog sa Ilocos Region bagamat patuloy itong binabantayan dahil posibleng maapektuhan ang mga ito bunsod ng tuloy tuloy na pag-ulan.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay OCD Region 1 Spokesperson Adreanne Pagsolingan, nanatiling nasa Red Alert status ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council and Emergency Operation Center.

Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na sumunod na lamang sa abiso ng awtoridad sakaling maglabas ang mga lokal na pamahalaan ng kautusang kailangang mag evacuate upang makaiwas sa gitna ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments