𝗟𝗘𝗕𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗢𝗖𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔.𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦

Mahigpit na binabantayan ng Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Council ang pagtaas pa ng lebel ng tubig sa Sinocalan River.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay MDRRMO Officer Raymundo Santos, mabilis umano ang pagtaas ng water level sa ilog na mula sa 3.4 masl o below normal level na naitala noong gabi ng Nov. 17, tumaas ito hanggang 7.2 masl noong tanghali ng Nov. 18 at tumataas sa 7.4 masl o above critical level.

Bagaman patuloy na tumataas ang lebel ng Sinocalan River, wala umanong naitala na evacuees sa bayan at untoward incidents maliban sa Brgy. Songkil na madalas bahain kahit sa simpleng pag-ulan.

Ang barangay ng Nilombot at Sitio Ilocandia ang mga lugar na maaring maapektuhan pa sa pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.

Hinihikayat ng MDRRMO na lumikas ang mga residente na malapit sa ilog at low-lying barangays sakaling makaranas ng pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments