Matagumpay na pinangunahan ng Dagupan City Police Station ang isang aktibidad sa Bonuan Boquig National High sa lungsod ang isang Bomb Threat Lecture and Awareness.
Dumalo ang mga mag-aaral dito maging ng kaguruan para sa aktibidad ng kapulisan bilang bahagi ng kanilang programa na KASIMBAYANAN sa Paaralan.
Ayon sa mga awtoridad hindi biro ang pagpapakalat ng isang Bomb Threat sa mga pampublikong lugar dahil maaari itong pagmulan ng disgrasya at panic sa mga tao.
Sa ilalim ng batas, maaaring mapatawan ng kaso ang sinumang mapapatunayang nagpakalat ng ganitong senaryo kung saan base sa Presidential Decree 1727, ipinagbabawal ang pagkakalat ng mga bomb threat, mga Paliparan, mga eskwelahan o mga libangan tulad ng mga mall at marami pang iba.
Hindi lalagpas sa limang taong pagkakakulong at hindi lalagpas sa P40,000 na multa ang maaaring kaharapin ng mapapatunayang nagpakalat ng bomb joke.
Matatandaan na noong ika-6 ng Nobyembre may nagpakalat ng isang Bomb Threat sa isang paaralan sa bayan ng Sta. Barbara na naging sanhi pagsuspinde sa klase. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments