π—Ÿπ—šπ—¨π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—£π—œπ—‘π—”π—œπ—šπ—§π—œπ—‘π—š π—”π—‘π—š π—žπ—”π— π—£π—”π—‘π—œπ—¬π—” π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔 π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜

Upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa probinsya, pinaigting ng mga lokal na pamahalaan ang kampanya kontra dengue.

Sa Dagupan City, nagsimula nang suyurin ng City Health Office Sanitation Team ang mga paaralan sa barangay upang magsagawa ng misting operation.

Nagpapatuloy din ang misting operation ng kawani ng RHU Bayambang sa mga barangay upang magsagawa ng misting matapos maitala ang apat na kaso mula sa barangay cadre.

Sa San fabian, activated na ang Anti-Dengue Municipal Task Force na nangunguna sa mga programa kontra dengue sa bayan.

Nauna na ring nagsagawa ng barangay clean up drive ang bayan ng Lingayen sa mga barangay upang linisin ang mga lugar na maaring pinamamahayan ng lamok na may dalang dengue.

Matatandaan na hinimok ng Department of Health ang mga LGUs na magsagawa ng sabay-sabay na clean up drive sa mga barangay bilang pakikiisa sa programa ng ahensya kontra dengue. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments