
Cauayan City – Opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan ang Local Government Human Resource Information System (LGHRIS), isang digital platform na dinisenyo upang mapabilis ang pamamahala ng human resources sa loob ng lokal na pamahalaan.
Bilang kauna-unahang Smart City of the Philippines at kinikilalang Innovative City of the Nation, bahagi ang Local Government Human Resource Information System (LGHRIS) ng mas malawak na inisyatiba ng LGU Cauayan na gawing mas moderno at makabago ang paghahatid ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pinagsama-samang mga digital system.
Layunin nitona tulungan ang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang tungkulin sa human resources tulad ng employee records management, monitoring ng employment status, at iba pang mahahalagang Human Resources functions na makatutulong sa mas maayos na operasyon ng pamahalaang lungsod.
Ang nasabing platform ay pinamamahalaan ng City Human Resource Management Office (CHRMO), na siyang mangangasiwa sa wastong paggamit at pagpapatupad ng sistema para sa kapakinabangan ng mga kawani ng pamahalaan.
Sa paglulunsad ng Local Government Human Resource Information System (LGHRIS) inaasahang mas mapapalakas pa ang digital governance ng Cauayan City at mas mapapabuti ang serbisyo hindi lamang para sa mga empleyado ng LGU kundi pati na rin para sa publiko.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










