𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 , 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗞𝗘𝗗𝗬𝗨𝗟 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞 𝗔𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡

Cauayan City – Ipinaalam ng Local Government Unit of Cauayan City sa publiko ang schedule ng holiday break at work suspension para sa mga Government Employees kaugnay sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Batay sa inilabas na pabatid, itinuturing na Bisperas ng Pasko ang ika-24 Disyembre, na sinunandan ngayong Araw ng Pasko sa ika-25 ng Disyembre.
Magpapatuloy naman ang regular na pasok sa ika-26, habang idineklara namang walang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan ang ika-29 bilang work suspension.
Samantala, ipagdiriwang ang Araw ni Rizal sa ika- 30 Disyembre, na susundan ng Bisperas ng Bagong Taon sa ika-31Disyembre at Araw ng Bagong Taon unang araw ng Enero.
Muli ring idineklara ang ikalawa Enero bilang walang pasok o work suspension, habang ang ika-3 at ika-4 ng Enero ay matatapat sa weekend.
Hinihikayat ang publiko na ayusin at planuhin nang maaga ang kanilang mga lakad at transaksyon upang maiwasan ang abala sa mga nabanggit na petsa.
Facebook Comments