Tiwala ang lokal na pamahalaan ng Dagupan na masosolusyunan ang problemang pagbaha sa lungsod sa pamamagitan ng mga flood mitigation projects.
Kaugnay nito, personal na tinungo ni Mayor Fernandez ang mga bahagi sa lungsod na higit na nalulubog pagsapit ng pagbaha upang inspeksyunin at isagawa ang kinakailangang aksyon.
Nauna nang nilinaw ng alkalde sa panayam nito sa IFM Dagupan na wala pa sa hundred percent ang isinasagawang mga proyekto kaya’t hindi pa makikita ang kabuuang epekto nito sa ngayon.
Magpapatuloy pa ang mga road projects sa mga pangunahing kakalsadahan sa Dagupan City at alinsunod dito ay nakatakdang makipagpulong ang alkalde sa DPWH. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments