Ipinatawag ang mga Poultry Farm owners sa Manaoag upang tugunan ang reklamo ng mga residente sa sangkaterbang langaw sa kanilang lugar.
Bago pa man nito, nagsagawa na ng inspeksyon ang LGU sa anim na mga poultry farms sa bayan. Lumalabas rin na ang isa rito ay lumabag sa sanitation guidelines kung kaya’t sinuspendi ang operasyon nito
Bilang solusyon sa problema, nakatakdang maglabas ng executive order ang alkalde nang pagsasagawa ng regular ng inspeksyon upang maiwasan ang peste.
Tinalakay rin ang magiging aksyon sa pagkontrol ng pagdami ng langaw sa paligid ng poultry farm at ang pagkakaroon ng tamang pesticides at solid waste management upang mapuksa ang pagdami ng langaw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments