𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛, 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Inumpisahan na ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) 1 ang pagsasagawa ng libreng cervical cancer screening sa ilang ospital sa rehiyon na makatutulong sa mga kababaihan sa rehiyon para sa early detection.

Inumpisahan ang naturang programa, noong isang araw, sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union.

Layon ng programang magbigay kamalayan at adbokasiya sa mga kababaihan ukol sa naturang sakit.

Nagkaroon din ng lecture at film showing ukol sa cervical cancer bilang parte ng serbisyong ng DOH-CHD 1 at naturang ospital.

Magpapatuloy ang pagsasagawa ng libreng programang ito sa ilan pang ospital kung saan sunod na isasagawa sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte, sa May 17 at May 24 naman sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City, Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments