Mapapakinabangan partikular ng mga indigent Pangasinenses ang programang magbibigay ng libreng cleft lip at palate services pagkatapos aprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang isang resolusyong inihain kaugnay dito.
Katuwang ang Philippine Band of Mercy (PBM) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Guico III, at resolution authors na sina by SP Members Shiela Marie F. Baniqued and Jerry Agerico B. Rosario ay naghahanda na sa implementasyon ng nasabing programa pagkatapos itong maaprubahan ng gobernador at PBM executive director.
Layon nitong matulungan lalo ang mga kapos palad na mga Pangasinense na mapaayos ang suliranin sa cleft lip at palate deformities ng mga ito na siya namang pinaniniwalaang malaking tulong sa pagpapalakas pa ng kanilang kumpyansa sa sarili.
Inaasahang magaganap ang Cleft Surgical Outreach Mission Project sa Pangasinan PPH sa target date na January 11, 19 20, 21, at 22, na kayang mag accomodate ng nasa 20 to 30 cleft lip patients pagkatapos na mapagkasunduan ng mga katuwang pang ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments