𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗠𝗢𝗧 𝗔𝗧 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞-𝗨𝗣, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡

CAUAYAN CITY- Mapapamahagian ng libreng gamot at medical check-up ang mga residente ng Quezon, Isabela.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Epiphany Multipurpose Cooperative bilang bahagi ng National Cooperative Month kung saan gaganapin ito sa ika-13 ng Oktubre sa Brgy. Abut, Quezon, Isabela.

Inaanyayahan naman ng naturang kooperatiba ang lahat ng nais magpakonsulta at makahingi ng libreng gamot para sa mga karaniwang sakit na magtungo lamang sa kanilang opisina upang mabigyan ng serbisyong ito.


Layunin ng aktibidad na tulungan ang mamamayan ng Quezon pagdating sa tulong pangkalusugan.

Facebook Comments