Wednesday, February 4, 2026

‎𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Para sa mga pasyenteng may stroke, arthritis, post-surgical o espesyal na pangangailangan, magkakaroon ng libreng konsultasyon si Dr. Ma. Corazon Acosta sa Santiago City Physical Therapy Rehabilitation and Wellness Center sa Lunes, Pebrero 9, mula 8 hanggang 11 ng umaga.

Bukas ang serbisyo sa mga may kondisyon tulad ng Parkinson’s disease, traumatic brain injury, spinal cord injuries, osteoporosis, sports at work-related injuries, low back pain, carpal tunnel syndrome, at mga batang may espesyal na pangangailangan tulad ng cerebral palsy.

Layunin ng programang ito na tulungan ang mga residente ng lungsod at karatig lugar na makakuha ng tamang gabay at lunas sa kanilang kalusugan nang libre.

Inaanyayahan ang lahat ng may nabanggit na karamdaman na samantalahin ang pagkakataong ito at magpakonsulta sa itinakdang oras at araw.

‎——————————————
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments