Magsasagawa ng libreng pagbabakuna kontra Influenza o Flu sa bayan ng Mangaldan, na gaganapin saMunicipal Hall Grounds, mula Lunes hanggang Biyernes,alas nuebe ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon.
Ang naturong proyekto ay ang hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan katuwang ang Municipal Health Office (MHO) laban sa pagtaas ng kaso ng trangkaso at iba pang influenza-like ilnesses.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), nasa halos dalawandaang libo na ang naitalang Influenza-like illnesses (ILI) mula Enero hanggang Nobyembre at higit pang pumalo sa huling buwan ng 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments