
Cauayan city — Magkakaloob ng libreng konsultasyon ang Santiago City Health Office sa pamamagitan ng Santiago City Physical therapy rehabilitation and wellness center bilang bahagi ng patuloy na programa nito para sa kalusugan ng mamamayan.
Ang nasabing libreng konsultasyon ay pangungunahan ni Dr. Ma. Corazon Acosta na gaganapin bukas, ika-9 ng enero mula alas-8:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.
Inaanyayahan ang mga residente ng lungsod, lalo na ang mga may karamdaman na nangangailangan ng physical therapy at wellness consultation, na samantalahin ang serbisyong ito.
Kabilang sa mga karamdaman na maaring masuri ay ang Post-Surgical Orthopedic Cases, Sports Injuries, Work related injury, children with special needs, Stroke, Parkinson’s Disease, Traumatic Brain injury, Spinal cord injuries, Osteoporosis at
Arthritis.
Layunin ng programa na matulungan ang mga pasyente sa tamang pagsusuri at payong medikal upang mapabuti ang kanilang kalagayan at pangkalahatang kalusugan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










