𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗪𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗦𝗦𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗨𝗥𝗩𝗜𝗩𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦, 𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦

Ilulunsad sa darating na September 28 ngayong taon ang libreng swimming lesson at water survival para sa mga grade school students ng San Nicolas.

Layunin nito na hasain ang mga mag-aaral sa paglangoy upang mailigtas ang kanilang sarili sakali mang nasa gitna ng kapahamakan.

Isasagawa ito kada linggo sa Agpay Eco Tourism Park Katuwang ang mga trainers mula sa Survivalist Philippines at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa tala ng World Health Organization NASA tatlong libong Pilipino ang namamatay taon-taon dahil sa pagkalunod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments