Nakatakdang isagawa sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang isang Grand Medical Mission, ngayong Enero.
Sa darating na ika-15 hanggang ika-19 ng Enero, isasagawa ang nasabing serbisyong pangkalusugan.
Kamakailan lamang nang nagpulong ang Pangasinan Health Office katuwang Provincial Hospital Management Services, at Bayambang District Hospital at kanilang napag-usapan ang mga kailangang hakbang sa pagsasagawa ng aktibidad na ito.
Pangungunahan ang aktibidad na ito ng Philippine Medical Society of Northern California sa tulong din ng lola ng alcalde ng Bayambang na si Mayor Niña Jose-.Quiambao.
Ang tulong pangkalusugang ito sa mga Pangasinense ay nakatakdang ganapin sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, Barangay Bani, Bayambang, at isang puwesto naman sa Pangasinan Provincial Hospital, Bolingit na matatagpuan sa San Carlos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨