CAUAYAN CITY- Pansamantalang ipinagbawal muna ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng na alak sa lahat ng tindahan sa ilang bayan sa Isabela na nasa ilalim ng Tropical Storm Signal no. 1 dulot ni Bagyong Marce.
Ito ay alinsunod sa Ordinance No. 2020-13-1 ng Sangguniang Panlalawigan kung saan ipinatutupad ng Philippiline National Police ang Liquor Ban dahil sa banta ng Bagyong Marce.
Kabilang sa mga bayan na nagpapatupad liquor ban ay ang Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, at Dinapigue.
Ang sinumang mahuling nakainom ay mahahatulan ng karampatang multa na dalawang libong piso at kapag hindi ito nabayaran agad sa loob ng pitong araw ay tataas ito ng tatlong libong piso at maaari ding pagkakabilanggo depende sa desisyon ng korte.
Gayundin sa mga tindahan na magbebenta ng alak ay mapapatawan ng multa na nagkakahalaga ng 4,000 at kapag hindi ito nabayaran agad ay magiging 5,000 o pagkakakulong ng anim na buwan at pagkaka-kansela ng kanyang business permit.