Ayon sa pahayag ni DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Basto-Dalaten, nireactivate muli ang LPCC dahil papalapit na naman ang tag-ulan, kung saan laganap sa nasabing panahon ang pananamantala ng ibang negosyante.
Samantala, paglilinaw ni PD Dalaten, ang LPCC ay may kapangyarihan na makipag coordinate at ipaliwanag ang iba’t ibang pamamaraan upang mapanatili ang presyo at supply ng mga miyembro o katuwang ng ahensya na binubuo naman ng mga munisipalidad at siyudad sa Pangasinan.
Ani pa ni PD Dalaten, layunin din ng LPPC na makipag coordinate sa national council; gayundin ang pagrerekomenda ng mga price ceiling sa kanya-kanyang nasasakupan ng mga LGUs, pati na rin ang pagtatakda ng mga hakbangin upang masawata ang unwarranted price increases at maiwasan ang kakulangan ng suplay.
Kasalukuyan namang lumilibot ang puwersa ng DTI Pangasinan sa bawat LGU upang makipag-isa, kung saan nauna na sa mga bayan ng Tayug, San Quintin, Umingan, at Balungao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨