𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Nakiisa, kahapon, ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansang Pilipinas.

Sa taunang selebrasyon ng kasarinlan ng Pilipinas, itinaas ang watawat ng bansa sa Dagupan City Plaza na dinaluhan naman ng iba’t ibang opisyal, departamento at mga organisasyon sa lungsod.

Dagdag pa riyan, nagdaos din ng wreath-laying ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng alkalde nito sa rebulto ni Gat Jose Rizal, na isa umano sa mukha ng Kalayaan ng Pilipinas.

Samantala, iba’t ibang lokalidad at munisipalidad naman sa lalawigan ng Pangasinan ang nakiisa rin sa selebrasyon ng kasarinlan ng bansa.

Kahapon, isinagawa rin ang kabilaang job fairs sa iba’t ibang mga malls at LGU upang mabigyang trabaho ang mga mamamayan nang makalaya naman umano sa hirap ng buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments