𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Nahatiran ng libreng serbisyong medikal ang mga senior citizen sa Barangay Calmay, Dagupan City sa pamamagitan ng isinagawang Medical Mission ng City Health Office at medical mission team.

Inihatid sa mga ito ang mga libreng serbisyong medikal tulad ng medical check-up, mga laboratory test, mga gamot, pneumococcal vaccine, dental services, at mobile X RAY services.

Mayroon din registration para sa Osteoarthritis, Diabetic Club, Cataract, at High Blood pati na rin online registration para sa National Commission of Senior Citizens.

Nagpapasalamat naman ang mga senior citizen na pumunta sa naturang medical mission dahil nailapit umano sa kanila ang mga serbisyong pangkalusugan na kanilang kinakailangan lalo at karamihan sa kanila ay hindi na umano maharap ang pagdayo sa city proper upang makapagpa-check-up.

Samantala, nagkaroon rin ng information dissemination sa mga ito tulad ng pagbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa Bakuna Champion Campaign, batas ukol sa social pension o R.A. 9994, maging ang mga programa at mga aktibidad para sa mga senior citizens ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments