Nananatili pa rin umanong mababa ang lokal na suplay ng silk thread sa rehiyon uno kahit pa mataas ang demand nito ngayon sa bansa ayon sa Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Regional Office 1.
Sa isang panayam, sinabi ng ahensya na isa sa nakikitang dahilan kung bakit mababa pa rin ang lokal na suplay ay dahil umano sa mababang produksyon ng mulberry farm kung saan napagkukunan ng dahong kinakain ng mga silkworm.
Dapat din umano alagaan ng maigi ang mga silkworm dahil nasa 20 hanggang 25 days dapat ang pagpapakain sa mga ito bago ang mature stage at maging cocoon.
Kaya naman iginigiit ngayon ng PhilFIDA ang pagsulong na suportahan ang mga lokal na producer.
Mas pinipili na lamang umano kasi ng mga magsasaka na magtanim ng ibang pananim.
Samantala, malaking bahagi ang pagsuporta at panghihikayat sa magsasaka na tumuon sa sericulture upang mapataas ang produksyon ng silk thread sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨