𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

CAUAYAN CITY- Wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos kitilin ang sariling buhay sa Purok 6, Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si alyas “Waldo”, walang asawa, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nagtungo ang kapatid ng biktima kasama ang pamangkin nito upang magbigay ng pagkain at gamot sa biktima.


Nang buksan ang pinto ng kanyang tahanan dito natuklasan ang wala ng buhay na katawan ng biktima na nakasabit at walang isuot pangtaas.

Nagpatiwakal ang biktima gamit ang nylon na lubid na itinali sa kawayan sa taas ng kisame.

Dali-daling inireport ng mga ito sa kinauukulan at agad naman na rumesponde ang mga otoridad sa lugar.

Napag-alaman rin na ang biktima ay nagtungo sa pagamutan noong Pebreo 17, 2024 upang magpacheck-up dahil nakararanas umano ito ng insomnia kung saan umiinom ito ng gamot para sa naturang kondisyon.

Samantala, sinubukang kuhanan ng IFM News Team ng pahayag ang pamilya ng biktima ngunit minabuti ng mga ito na hindi na lamang magbigay ng anumang impormasyon hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments