𝗟𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗬-𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡; 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝟭𝟬𝗞

Matatandaan na nagpulong ang mga opisyal ng Land Transportation Office Region 1 ukol sa mga magiging hakbang sa pagpapatupad ng “No Registration, No Travel Policy” sa mga may-ari ng sasakyan.
Dito sa Dagupan City, nagbabala ang LTO Dagupan sa pangunguna ni LTO-Dagupan Chief Bong Dawaton sa sinumang mga mahuhuling hindi nakarehistro ang kanilang mga sasakyan.
Ito ay matapos lumabas sa pagdinig ng Senado noong Miyerkules, Nobyembre 29, na mayroong 12.9 milyong hindi rehistradong motorsiklo sa bansa na ayon sa ahensya papatawan ng 10k na multa ang mga indibidwal na mapapatunayang hindi nakarehistro ang kanilang gamit na sasakyan.

Para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng polisiyang No Registration at No Travel, magkakaroon ng mga checkpoints sa iba’t ibang distrito.
Hinimok ni Dawaton ang mga may-ari ng sasakyan na i-rehistro ang kanilang mga sasakyan sa loob ng hindi bababa sa dalawang buwan upang maiwasan ang mahabang pila sa mga opisina ng LTO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments