𝗟𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗘𝗡𝗧𝗦

Isinagawa ng Land Transportation Office ang Driver Reorientation Course at Road Safety Seminar Office sa 114 na drug rehab patients sa Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Dagupan City.

Muling itinuro ang driving rules and regulations at wastong paggamit ng sasakyan.

Layunin nitong mabigyan pa ng angkop na kaalaman ang mga driver’s license holders sa naturang pasilidad upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Inaasahang sa pagtatapos ng kanilang rehabilitasyon ay mas mapapabuti ang kakayahan ng mga inpatient clients sa pagmamaneho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments