Nagsagawa ng inspeksyon ang Land Transportation Office Regional Office 1 sa mga bumabyaheng motorsiklo.
Layunin nito na maging ligtas ang mga motorista kahit pa nararanasan ang sama ng panahon.
Ilan sa mga tinitignan ng ahensya bukod sa dokumento at driver’s license ay ang posibkeng depekto sa mga mechanical parts ng sasakyan at estado ng gulong na maaring maging sanhi ng aksidente.
Paalala ng LTO para sa kaligtasan ng mga motorista, suriin ang bawat bahagi ng sasakyan bago bumyahe at iwasang umalis ng bahay kung masama ang panahon at hindi importante ang pupuntahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments