𝗟𝗨𝗕𝗔𝗞-𝗟𝗨𝗕𝗔𝗞 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗧𝗔𝗦-𝗕𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Inirereklamo ngayon ng ilang mga residente sa Brgy. Malacañang, San Carlos City, Pangasinan ang lubak lubak at butas butas na kalsada sa kanilang barangay.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang residente, mula umano sa barangay Abanon hanggang Agdao, kapansin pansin ang maraming butas sa nasabing kalsada.

Lalo pang ipinanawagan sa awtoridad pagsasaayos ng mga daanan kasunod ng naitatalang mga road accidents sa lugar.

Kahapon lamang, naabutan ng IFM News Dagupan Team ang isang aksidente sa bahagi ng Sitio Robillos, Brgy. Malacañang na kinasangkutan ng isang motorsiklo at SUV.

Ayon sa mga nakasaksi, iniwasan umano ng rider ang butas na bahagi ng kalsada na dahilan upang mabangga ang SUV.

Hiling ngayon ng mga ito ang aksyon ng kinauukulan upang maisaayos ang naturang kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments