CAUAYAN CITY – Malaya na mula sa kuko ng terorismo ang Santiago City matapos itong opisyal na idineklara bilang Insurgency-free.
Ang nasabing pagkilala ay pinagtibay ng AFP-PNP Joint Letter Directive No. 03. The Local Peace and Order Council (LPOC) sa pamamagitan ng isang resolusyon na nagkukumpirma sa pagiging malaya sa insurhensya ng nasabing lungsod.
Noong 2023, pinangunahan ng 86th Infantry “Highlander” Battalion, 502nd Infantry “Liberator” Brigade, at ng Santiago City Police Office, ang pagsasagawa ng Community Support Program (CSP), na naglalayong protektahan ang iba’t-ibang sektor partikular ang mga kabataan at estudyante mula sa impluwensya ng mga Communist Terrorist Groups’ (CTGs) White Area Urban Operatives.
Ang deklarasyon ng Santiago City bilang “Insurgency-Free” ay maituturing na isang makasaysayang tagumpay para sa lahat ng Santiagueño.
Sa pamamagitan rin nito ay mas magiging panatag na ang mga mamamayan dahilan sa mas lalong paglago ng ekonomiya ng lungsod na nagbibigay ng mas malawak na oportunidad para sa lahat.