π— π—”π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—¦π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 𝗑𝗔π—₯𝗔π—₯𝗔𝗑𝗔𝗦𝗔𝗑 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Patuloy na nararanasan ngayon sa lalawigan tulad sa lungsod ng Dagupan ang maalinsangang panahon lalo na sa tanghali hanggang hapon dahil sa epekto ng El niΓ₯o phenomenon.

Nagbigay ng paalala ang mga health authorities na mainam na ingatan ang mga sarili at panatilihing hydrated ang pangangatawan.

Maaaring makakuha ng iba’t ibang sakit sa nararanasang init ng panahon tulad ng dehydration, pagkahilo, sipon at ubo maging nose bleeding.

Ayon sa PAGASA, asahan na posibleng tumaas pa ang nararamdamang heat index sa lungsod.

Matatandaan na noong nakaraang taon, isa ang lungsod ng Dagupan sa nakaranas ng mataas na temperatura ng heat index kung saan umabot sa higit 40 Degree Celsius. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments