𝗠𝗔𝗔𝗟𝗜𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗦𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Madalas nang nararanasan sa lalawigan ang maalinsangang panahon tulad sa lungsod ng Dagupan kung saan nakaranas at nakapagtalaga nitong nakaraan ng mataas na heat index.

Pansin ng mga estudyante sa tuwing papasok sa kanilang mga eskwelahan ang mainit na bugso ng hangin lalo tuwing sasapit ang hapon.

Madali rin pagpawisan ang mga bata kahit pa hindi umano nakakapaglaro o kumikilos masyado na siyang napansin rin ng mga magulang na sumusunod sa kanilang mga anak tuwing class dismissal.

Ang iba, nakararanas umano ng ubo at sipon dahil natutuyuan ng pawis at maging ng dehydration.

Pauna ng nagpahayag ang mga health authorities na sa panahon ng tag-init at ganitong maalinsangan, huwag kaliligtaang magdala ng mga gamit at panangga sa mainit na panahon tulad na lamang tubig para iwas dehydration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments